by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 11 October 2015
Handa na at naka plano na umano ang pagtakbo ni Engr. Roger Fodra sa pagka-alkalde ng Odiongan sa susunod na taon.
Ayon sa source ng Romblon News, matagal umano itong pinaghandaan ni Engr. Fodra na kasalukuyang Mayor ng nasabing bayan matapos pumalit sa namayapang alkalde ng bayan na si Baltazar Firmalo.
Kinumperma naman ni Fodra sa pahayagang Romblon Sun ang nasabing balita.
Sinabi ni Fodra sa pahayagan na buo na ang kanyang plano at nakapagpasya na siya. Si Fodra ay miyembro ng Nacionalista Party sa lalawigan at nanalong Vice Mayor noong nakaraang election.
Si Fodra ang kauna-unahang kandidato na nagpahayag nang planong pagtakbo sa pagka-alkalde sa bayan ng Odiongan.



