Photo Courtesy: Odiongan PNP
Nag-sponsor ng isang misa ngayong hapon ang Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Kenneth Ding Gutierrez bilang pagalala sa 44 na Special Action Force (SAF) troopers na nasawi sa isang operasyon noong 2015 sa Mamasapano, Maguindanao.
Ginanap ang misa sa St. Vincent Ferrer Parish sa Barangay Tabin-Dagat, Odiongan, Romblon.
Sa homily ni Reverend Father Ruben Manliguez, sinabi nito na kung sino man ang nakakaranas ng pagsubok sa buhay lagi lang ilagay ang Panginoong Hesus sa sentro nito at bahala na siya mag-guid sayo para malampasan ang mga pagsubok na yan.
Sa Corcuera, nag-alay naman ng panalangin at nagpalipad ng mga lobo ang mga tauhan ng Corcuera Municipal Police Station sa pangunguna ng kanilang bagong hepe na si Police Senior Inspector Chisi Faderagao.
Matatandaang nasawi ang 44 na Special Action Force (SAF) troopers nang makabarilan ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front and the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters pagkatapos nilang mapatay ang grupo nina lkifli bin Hir at Abdul Basit Usman.



