Brownout mararanasan sa ilang barangay ng San Agustin, Odiongan at Sta. Maria bukas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 01 October 2015

Makakaranas isang oras at kalahati na brownout ang ilang barangay sa bayan ng Odiongan, San Agustin, at Sta. Maria, bukas October 02.

Ayon sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO, dahil ito sa isasagawang pagsasaayos sa mga distribution lines na patungong Sta. Maria.

Apektado ng brownout ang Barangay Tuburan sa Odiongan, Barangay Buli, Hinugusan, at Lusong sa San Agustin, at Barangay Paroyhog, Sto. Nino, at Bonga sa Sta. Maria.

Sinabi ng TIELCO na ang mga naturang barangay ay direkta nang ikokonekta sa Feeder 3 sa planta at ang distribution line nito ay direkta na ring mangagaling ng Odiongan at dadaan na ng Barangay Pato-o at hindi na dadaan sa Looc at Alcantara.

Magsisimula ang power interruption alas-8 y' medya hanggang alas-10 ng umaga.