
Isang Small Town Lottery Agent ng Pines Estate Gaming Corporation ang naaresto ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station nitong tanghali ng December 22, 2017 sa Barangay Anahao sa Odiongan matapos tumanggap diumano ng taya na para sa lotteng.
Kinilala ang suspek na si Tony Faa Malunes, 44-taong gulang at residente ng nasabing barangay.
Nakuha ng pulisya sa suspek ang isang unit ng cellphone, 2 piraso ng ballpen, 1 booklet ng STL recepit, isang PBA Ending card, isang jacket na green at ID na issue ng Pines Estate Gaming Corporation. Nakuha rin sa suspek ang 595 pesos na pera, isang bag, at isang motorsiklo.
Batay sa pulisya, naaktuhan nila ang suspek na nagpapataya ng lotteng kaya siya agad dinakip samantalang ang tumataya at nakatakbo at nakatakas.
Nakikipag-ugnayan na ang Odiongan Municipal Police Station sa Pines Estate Gaming Corporation kaugnay sa nahuli nilang agent.
Nakakulong na ang suspek at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Presidential Decree 1602 at Repbulic Act 9287.
Itinanggi naman ng ni Malunes ang mga paratang.



