RSU: Accredited ang BS Criminology ng Unibersidad

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Monday, 06 July 2015

Nanindigan ang pamunuan ng Romblon State University na accredited ang kursong Bachelor of Science in Criminology ng nasabing Unibersidad para makakuha ng Board Exam sa Professional Regulation Commission ngayong October, ito ay kaugnay sa naibalita ng pahayagang ito na nangangamba ang mga mag-eexam dahil diumano sa reject ng PRC ang course description ng ibang subject.

Ayon sa pamunuan ng Institute of Criminal Justice Education, pasok ang course description ng B.S. Criminology ng University sa CHED Memorandum Order (CMO) No. 21, series of 2005 na nagpapatunay na accredited ang Unibersidad para makakuha ng Criminology Board Exam ang mga graduates nito.

Ayon sa ICJE Administration, maaring may pagkakaiba ang course description ng ibang paaralan sa Romblon na nag-ooffer ng B.S. Criminology, depende kung ang lumang CHED Memorandum Order ang gamit sa curriculum nila.

Ayon naman sa pamunuan ng Professional Regulation Commission (PRC) sa Lucena, pwedeng kumuha ng board exam ang isang graduate basta natapos nila ng kompleto ang requirements ng isang CHED recognize na University.