Municipal Council urge Telcos to upgrade Signal and Internet Service in Odiongan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Inudyok ng Sangguniang Bayan ng Odiongan sa malalaking Telecommunication Company na i-upgrade ang kanilang signal at internet service sa bayan kung saan sentro ng komersyo ng Romblon.

Sa isang resolusyon na pinanukala ni SB Rollie Lachica at pinasa naman ng konseho ng Odiongan nitong unang quarter ng 2017, sinabi rito na marami nang nagrereklamo dahil sa mabagal nag internet connection ng Globe at Smart sa mismong sentro ng bayan.

Sinabi rin dito na sa Guinbirayan, Sta. Fe, Romblon ay may internet speed na 7.1 megabytes/second habang sa Odiongan ay hanggang 1.7 megabytes/seconds lamang.

Ang pag-upgrade umano sa signal at internet connection ng mga nasabing providers ay malaking tulong sa economic at social development ng bayan ng Odiongan.

Pinadala ang nasabing resolusyon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) Field Operations Office, Luzon Cluster 3, at sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ayon kay Atty. John Henry Naga, Assistant Secretary ng NTC, kanilang nang pinadala sa opisina ni NTC Chairman Gamaliel Cordoba ang nasabing sulat at resolusyon.

Samantala, nag-upgrade na ng kanilang Internet Speed ang Globe Telecom sa bayan ng Odiongan nitong Oct 18, 2017 bago paman makarating ang resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Odiongan sa opisina ng National Telecommunications Commission (NTC).