Mayor Fabic finished 10-month Course on the many facets of Good Governance

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy of VP Leni RobredoPhoto Courtesy of VP Leni Robredo

Nagtapos kagabi si Mayor Trina Firmalo-Fabic kasama ang 23 pang politiko sa sampung (10) buwang training at pag-aaral patungkol sa iba't ibang bahagi aspeto ng good governance katulad ng transparency, accountability, at people empowerment.

Sa mensahe ni Vice President Leni Robredo na dumalo sa kanilang graduation kagabi, sinabi nito na umaasa siya na ang kani-kanilang mga lugar, ksama na ang bansang Pilipinas, ay nasa magandang kamay dahil sa commitment sa ng mga nagtapos sa kanilang mga constituents.

Ang nasabing programa ay hatid ng Jesse M. Robredo Foundation sa katuwang ng International Republican Institute para sa paglinang ng mga bagong leader at servant ng ating bansa para sa mas maayos na Pilipinas.