Odiongan LGU turnovers piglets to PWDs Association, Farmers

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
{googleads center}

Namahagi ng alagaing biik ang Munisipyo ng Odiongan sa pangunguna ni Mayor Trina Firmalo-Fabic sa dalawang barangay na kanilang nasasakupan kamakailan.

Nagbigay ang Local Government Unit ng Odiongan ng 7 piglets sa Anahao PWDs (Persons with Disabilities) Association para sa kanilang hog dispersal livelihood project.

Nagsagawa rin ng maikling orientation at seminar sa kung paano mag-alaga ng biik hanggang sa maparami at maibenta nila ang mga ito.

Sa Barangay Tabobo-an naman nagbigay rin ang Local Government Unit ng Odiongan ng ilang mga piglets para sa Tabobo-an Farmers Association.

Sinabi ni Mayor Trina Firmalo-Fabic na anim na taon na ang sinasabi nilang Interbarangay hog dispersal program.

Pinagkalooban rin ang Tabobo-an Farmers Association nang shallow tube well na nagkakahalaga ng P170,000 bilang tulong sa vegetable gardening ng assocation.