
Isinugod sa Romblon Provincial Hospital si Daniel Fabello, Director ng PE Department ng Romblon State University matapos maaksidente pasado alas-9 ngayong gabi sa Barangay Poctoy.
Ayon sa ilang nakasaksi sa aksidente, papauwi na umano sana ng Barangay Tuburan si Fabello ngunit bigla umanong may tumawid na babae galing sa isang burol at kanya itong nasalpuk.
Nagkawasak-wasak ang ilang bahagi ng motorsiklo ni Fabello.
Malaking tulong rin at may suot na helmet si Febello habang nasa biyahe at hindi nagtamo ng malalang sugat sa ulo.
Problemado naman ang ilang nakausap ng Romblon News sa pamilya ni Fabello dahil sa susunod na linggo na umano ang RSU Olympics 2015 at may nangyari pang masama sa kanilang kapamilya.
Ligtas na rin ngayon si Fabello at nakakausap na ng kaniyang pamilya.
Habang malubha naman ang nabangga ni Fabello at inaasahang dadalhin sa Manila sa mga susunod na araw.
Dinala na sa Odiongan Municipal Police Station ang motorsiklong sangkot sa aksidente habang patuloy nilang iniimbestigahan ang pangyayari.



