
Naglatag ng mas pinaigting na siguridad ang Odiongan Municipal Police Station sa pagbisita ng kalihim ng Agrikultura na si Emmanuel F. Piñol noong Hulyo 27, 2017 sa bayan ng Odiongan.
Pinangunahan ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., hepe ng pulisya ng Bayan ng Odiongan ang mga kaukulang “security measures” para masiguro ang seguridad ng kalihim.
Nagsagawa ang Odiongan PNP katulong ang friendly forces galing ng Romblon Provincial Public Safety Company, Romblon SWAT Team, 1st CAA Coy, PA, Barangay Tanods, BPATS, BINS, NGOs at CVOs ng maximum security coverage at public safety services kagaya ng pag-ayos ng daloy ng trapiko sa mga dinaanan ng convoy ng kalihim, crowd control, ar seguridad sa lahat ng lugar na pinuntahan ng kalihim.
Nubenta (90%) porsiyento ng kapulisan ang deneploy at nagpatrolya sa mga lansangan para mapanatili ang pangkalahatang kaayusan at kapayapaan.
Layunin ng pagbisita ng kalihim ang magkaroon ng diyalogo sa mga magsasaka at mangigisda ng bayan ng Odiongan at mabalangkas ang mga lokal na usapin at problema sa agrikultura. P
agkatapos ng pag-uusap sa komunidad namahagi ang kalihim kasama sina Governor Eduardo Firmalo at Mayor Trina Firmalo-Fabic ng mga iba’t-ibang tulong na pang-agrikultura sa mga magsasaka at mangingisda.
Binisita din ng Kalihim ang Marine Breeding Station sa Brgy Canduyong, Odiongan, Romblon.
Malaki ang pasasalamat ng Odiongan MPS sa pamumuno ni PSInsp. Manuel Fernandez Jr. sa lahat ng tumulong at sa pakikipagtulungan ng komunidad para maging matiwasay at mapayapa ang pagbisita ng kalihim.



