Lalaking wanted ng halos 8 taon sa Romblon, nadakip sa Lipa City

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Arestado ang Number 7 Most Wanted Person ng bayan ng Odiongan, Romblon sa isinagawang operasyon ng mga kapulisan sa Bgy. San Sebastian, Lipa City, Batangas kaninang umaga.

Sa pinagsamang pwersa ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr, sa pakikipagtulungan ng Lipa City Police Station, nadakip ang wanted person na kinilalang si Pacencio Fetalver Sarsona Jr.

Si Sarsona ay 44 years old at residente ng Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon.

Nadakip si Sarsona sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng korte noong February 13, 2009 sa kasong Frustrated Homicide.

{googleads right}

Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, pamunuan ng Odiongan LGU sa pangunguna ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ang sumuporta sa isinagawang operasyon sa karatig na lalawigan.

Maaring makapyansa si Sarsona ng aabot sa P24,000 para sa kanyang pansamantalang pagkakalaya.