Baboy, nilapa umano ng aswang ayon sa may-ari

Written by Romblon News

by RomblonNews | Thursday, 20 August, 2015

Isang baboy ang nilapa di umano ng isang aswang pasado alas-7 ngayong gabi sa Barangay Canduyong, Odiongan, Romblon.

Ayon sa may-ari ng baboy na si Nelson Amar, pupuntahan sana ng asawa niya ang alagang baboy para kamustahin ngunit nabigla ang kanyang asawa matapos makita ang nakahilatang baboy. Meron itong mga kalmot sa katawan at meron ring malaking butas sa may bahagi ng tiyan kung saan andun ang atay at puso.

Hindi naman naniniwala ang ilang mga nakakita sa baboy na aswang ang lumapa sa alaga ni Amar. Maari umanong aso o malaking bayawak ang may gawa nito sa baboy.

Ayon kay Rolly Fabito, maaaring ang alagang aso ni Amar ang lumapa sa alaga.

Hindi na rin dinala sa Department of Agriculture o veterinarian ang baboy bagkus kinatay na lamang upang mapakinabangan.


DISCLAIMER: Ang nagsabi pong aswang ay hindi kumpirmado dahil walang nakakita. Ang impormasyong aswang umano ang lumapa sa baboy ay galing sa may-ari at hindi galing sa o konklusyon ng Romblon News.