Task Force KIWKIW, binuo ng PNP

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Thursday, 20 August, 2015

Bumuo ng task force ang mga awtoridad sa Odiongan para mas matutukan ang imbestigasyon sa pagpatay kay Rezin Galicha.

Ayon kay Police Senior Inspector Alvimar Flores, nagsagawa ng close door conference ang mga awtoridad kaninang umaga, dito rin nila binuo ang TASK FORCE KIWKIW na tututok sa imbestigasyon.

Palaisipan pa rin sa mga awtoridad kung ano ang motibo sa nangyaring pagpatay. 

Inalis na rin ng mga awtoridad ang anggulong pagnanakaw at rape.

"Malabo na may nangyaring nakawan kasi hindi nawala ang pera at ano mang mahahalagang gamit ng mga biktima. Kung rape naman dapat tinanggal man lang yung panloob na kasuotan ni Galicha.", ayon kay PSInsp. Flores."

"Malamang ang motibo ng suspek ay patayin lang talaga ang biktima na si Rezin.", dagdag pa ni PSInsp. Flores."

Nakakuha na rin umano ang mga awtoridad ng statement sa mga kapit-bahay, kaklase, gwardya ng RSU at ng pinsan niyang witness umano sa krimen.

Ayon kay PInsp. Flores, hindi nila inaaalis na maaaring kapit-bahay ang may gawa sa krimen o di kaya ang mismong kasama ni Galicha sa bahay noong panahon na iyon.