JUser: :_load: Unable to load user with ID: 833

Maulan pa rin sa lalawigan ng Romblon dulot ng bagyong Egay

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Sunday, 05 July 2015

egay baha1egay baha1

Patuloy na inuulan ang mga bayan sa lalawigan ng Romblon ngayong araw. Nakaranas ang lalawigan ng malalakas na ulan at pabugso bugsong lakas ng hangin kahit hindi direktang tinamaan ng bagyong Egay. Ramdam ang lakas ng hangin dahil sa lakas ng pagduyan ng mga puno.

Ilang Ilog sa bayan ng Odiongan at San Fernando ang umapaw dahil sa dami ng tubig ulan na bumuhos sa mga nasabing lugar.

Wala namang naipaulat na flashfoods at landslide sa buong lalawigan.

Wala pa ring biyahe ang mga motorbanca papasok at palabas ng lalawigan dahil sa nakataas na gale warning.

4 na oras naman nawalan ng kuryente ang buong Tablas Island ngayong araw dahil sa mga line faults na sanhi ng malakas na hangin.