by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 19 August 2015
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station sa nangyaring pagpatay sa isang estudyanteng babae ng Romblon State University, madaling araw kahapon, August 18.
Ayon kay Police Senior Inspector Alvimar Flores ng OMPS, nakikipagtulungan na sila sa Romblon Intelligence and Investigation Group para sa mabilisang pagresolba sa kaso.
Dagdag pa ni PSInsp Flores, nagrequest na ang kanilang opisina sa SOCO ng autopsy para malaman kung ano ang ikinimatay ng biktima at malaman ang ginamit na murder weapon.
Ayon naman sa isang reliable source ng Romblon News, nagtamo ang biktima ng 7 saksak sa katawan. Pinabulaanan rin ng source ang balitang ginahasa umano ang dalaga bago patayin. Ayon pa sa nasabing source, ang mga nasabing detalye ay resulta ng isinagawang autopsy report ng isang private doctor sa bayan ng Odiongan.
Bilin naman ni PSinsp. Flores, ginagawa ng kapulisan ang 101% effort para maresolve ang nasabing kaso.



