Estudyante ng RSU, patay matapos pagsasaksakin

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, August 18, 2015

Patay matapos magtamo ng multiple stab wounds ang isang BS Bio Student ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon matapos na pasukin ang tinitirhan nilang board house sa loob ng campus kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat ng Odiongan Municipal Police Station na ibinigay sa Romblon News, pasado ala-una kanina ng magsisigaw ang kasamang babae ng biktima at humihingi ng tulong sa mga kapit-bahay.

Ginising umano siya ng kakaibang tunog at pagbangon niya nakita niya na may isang lalakeng sinasaksak na ang kanyang pinsan na si Rezin Galicha, 17 years old, tubong Alcantara, Romblon.

Dahil sa takot, tumakbo umano siya palabas ng bahay at tumawag ng tulong.

Ayon naman sa gwardya na Romblon State University, wala silang nakitang lalake ng ikotin nila ang paligid ng bahay.

Naisugod pa sa Ospital si Galicha, ngunit pumanaw rin matapos ang halos isang oras.

Nakikipagtulungan na rin ang pamunuan ng Romblon State University sa SOCO, PNP, at Romblon Intelligence and Investigation Group para sa masusing imbestigasyon sa kaso na kinasasangkutan ng isa sa kanilang estudyante.