by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, August 18, 2015
Umangat ng halos 50% ang mga tinamaan ng sakit na dengue sa lalawigan ng Romblon ngayong taon ayon sa datus ng Provincial Health Office ng Romblon.
Batay sa pinakabagong tala ng PHO-Romblon simula Janauary hanggang August 13, meron nang 127 na tao sa buong Romblon ang tinamaan ng sakit mas mataas kesa sa datus noong nakaraang taon.
Ayon kay Dra. Erlinda Aguirre ng PHO-Romblon, tinututukan nila ngayon ang tatlong bayan ng San Agustin (22), Odiongan (30), at Looc (20) kung saan marami na ang naitalang kaso ng dengue.
"Ang kaso talaga ngayon mas mataas kesa noong nakaraang taon, pero noong nakaraang taon mas marami talagang kaso sa Romblon, Romblon pero after several intervention..medyo gumanda na ang kanilang performance this year, kunti nalang ang kaso nila. Ngayon naman nag peak tayo dito sa Odiongan, mas maraming kaso sa Odiongan.", ayon kay Dra. Aguerre.
"As of July, more than 50% ang itinaas ng kaso natin.", dagdag ni Dra. Aguerre.
Kinababahala naman ng pamunuan ang pagdami ng mga tinamaang estudyante ng Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon ngayong taon.
Ayon kay Dra. Aguerre, dumami ang kaso lalo na ngayong July dahil panahon ng tag-ulan. Umabot ng 86 na tao ang tinamaan ng dengue noong nakaraang buwan sa buong lalawigan.
Ayon sa datus ng PHO-Romblon, umabot na ng 14 na estudyante ng RSU ang tinamaan ng sakit.
"Usually ang mga estudyanteng tinamaan ay mga estudyante ng RSU, So... ang ginawa namin nag inspeksyon kami, ang findings namin maraming stugnant water.", ayon pa kay Dra. Aguerre.
Magsasagawa naman ngayong huwebes ng clean-up drive ang pamunuan ng Romblon State University para malinis ang mga kanal na maaring tirhan ng lamok.
Paalala ni Dra. Aguerre, basta malinis ang kapaligiran, walang lamok at kapag walang lamok, walang dengue.
"So kalinisan lang naman talaga ang mahalaga riyan, kung malinis ang kapaligiran walang lamok", pahayag ni kay Dra. Aguerre.



