LGU Odiongan, nakikiramay sa pagkamatay ni Dating SB Bantang

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nagpaabot ng pakikiramay si Mayor Trina Firmalo-Fabic at ang local government ng Odiongan sa pamilya na iniwan ni dating Sangguniang Bayan Member Domy Bantang.

Si Bantang ay pinaslang sa kanyang pamamahay sa Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon kahapon ng umaga sa hindi pa alam na kadahilanan.

Ayon sa alkalde, inaalala nila si SB Bantang dahil sa tagal ng kanyang paglilingkod sa gobyerno at sa Odiongan.

Patuloy rin umano ang kanilang pakikipag ugnayan sa awtoridad para sa mabilis na pagresolba sa kaso.