by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Thursday, 06 August 2015
Ang Social Security System (SSS) Odiongan Branch ay nagbigay ng pagsusulit para sa mga nagnanais na maging service bureau personnel ng nasabing ahensiya na ginanap kahapon sa LFH Suite Promenade, J.P. Laurel St., Cocoville, Bgy. Dapawan, Odiongan, Romblon.
Ayon sa pamunuan ng SSS Odiongan Branch, kasalukuyang naghahanap ang kanilang tanggapan ng mga kawani na tutulong mapabuti ang kanilang operasyon sa buong lalawigan ng Romblon.
Ang written exam ay kinakailangang maipasa ng mga kwalipikadong aplikante bago ito sumabak sa final interview ng manager at kailangan din nitong maisumite ang mga rekisitos na hinihingi ng ahensiya.
Ang kwalipikasyong hinahanap ng SSS ay dapat Filipino citizen, nakapagtapos ng bachelor’s degree, board passer o Civil Service Commission (CSC) professional level eligible, taglay ang magandang scholastic record, may kagandahang asal at payag na madestino sa island municipalities.
