Odiongan PNP, nagsagawa ng isang Feeding Program

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 27 July 2015

Nagsagawa ngayong araw ng feeding program ang mga kapulisan sa pangunguna ni Police Senior Inspector Alvimar Flores, sa pakikipagtulungan ng Parent Patrol ng Odiongan South Central Elementary School (OSCES) sa Tabobo-an Elementary School at Day Care Center sa Barangay Tabobo-an, Odiongan, Romblon.

Nakatanggap ng libreng almusal ang mga estudyante.

Ayon kay PInsp. Flores, ang nasabing feeding program ay isa sa mga programa na pinapatupad ng Odiongan Municipal Police Station para mailapit ang serbisyo ng mga kapulisan sa mga mamayan.

Nagpasalamat rin si Flores sa mga guro at opisyal ng barangay na tumulong at sumuporta sa kanilang programa kanina.