P155M World Bank Project na farm to market road sa Odiongan, aprubado na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

FILE PHOTO. Governor FirmaloFILE PHOTO. Governor Firmalo

Kinumpirma na ni Governor Eduardo 'Lolong' Firmalo sa Philippine Information Agency - Romblon sa katauhan ni Dennis Manzo, na aprubado na ang P155M project sa bayan ng Odiongan na pinunduhan ng World Bank.

Ang nasabing proyekto ay ang farm to market road na magdudugtong sa Sitio Aurora, Bgy. Pato-o sa sementong kalsada sa Barangay Pato-o patungong Odiongan.

Ang nasabing lugar ay sagana sa mga agriculture products na makakatulong sa mga residente ng Odiongan at ilang bayan.

Sa Phase II ng nasabing proyekto ikokonekta na sa Sitio Aurora ang Concepcion Norte, Sta Maria na kung saan mag dudugtong sa western at eastern part ng Tablas Island.