Monton, Repizo, and Tansiongco files COC for Mayoral race in Magdiwang

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 16 October 2015

Tatlong kandidato sa Magdiwang ang naghain ng kandidatura sa pagka-Alkalde ng nasabing bayan, ayon sa datus ng Commission on Election Magdiwang Municipal Office.

Nitong Huwebes, naghain ng kandidatura si incumbent sanguniang bayan member Denisa Repizo kasama ang kanyang grupo na binubuo nang mga taga-Liberal Party at Nationalista Party.

Ngayong araw naman naghain ng kandidatura ang dating Mayor ng Magdiwang na si Julie Monton sa ilalim naman ng United Nationalist Alliance.

Naghain rin ng kandidatura ang dati nang sumubok na lumaban kay yumaong Mayor Ibarra Manzala na si Douglas Tansiongco.