Mga mangingisdang nawala nitong Lunes, ligtas na natagpuan sa Masbate

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Natagpuan na at ligtas na ngayon ang dalawang mangingisdang nawala sa laot sa Magdiwang, Sibuyan Island, Romblon nitong Lunes.

Ang dalawang mangingisdang ay kinilalang sina Teolifo Diamos, 21 years old; at Jomar De Juan, 19 years old, pawang residente ng Sitio Tabuk, Barangay Tampayan, Magdiwang, Sibuyan Island, Romblon.

Nasiraan ang bangkang may pangalang Matt Zyron na sinasakyan ng dalawa at sa Aroroy, Masbate sila natagpuan.

Pabalik na ng Sibuyan Island ang dalawa.