8 katao, sugatan matapos mahulog ang sinasakyang jeep sa bangin sa Looc

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 02 May 2016

Aabot sa 8 katao ang sugatan matapos mahulog ang isang jeep sa isang bangin sa Barangay Guinhayaan, Looc, Romblon pasado alas-2 ng hapon ngayong araw, May 01.

Ayon sa Looc Municipal Police Station aabot sa 5 pasahero, 2 pahenante, at isang driver ang sugatan.

Biyahe umanong Odiongan, Romblon ang jeep galing sa bayan ng Santa Fe nang mangyari ang aksidente.

Dinala na ang mga sugatang pasahero sa hospital sa bayan ng Looc kung saan sila kasalukuyang nagpapagaling.

Paliwanag ng driver ng sasakyan, nawalan umano ng preno ang jeep kaya ito nahulog sa malalim na bahagi ng bangin.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga kapulisan ang aksidente.