Dalawa, biktima ng expired na inumin sa Looc

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Friday, 17 July 2015

expiredfnrexpiredfnrIsinugod kaninang tanghali ang dalawang residente ng bayan ng Looc sa DocPanes Medical Center sa nasabing bayan matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan.

Batay sa kwento ni Dr. Ernesto Panes, naunang isinugod ang isang menor-de-edad na lalake, at sinundan naman ng isa pang babae na nanawagan na huwag ng ilabas ang kanilang mga pangalan sa pahayagan.

Ayon sa mga biktima, sumakit ang kanilang mga tiyan dahil sa nainum na expired na Fit N' RIght na nabili sa isang tindahan sa bayan rin ng Looc.

Nagpahayag rin ng pagka dismaya si Dr. Panes sa pamunuan ng bayan ng Looc, dahil sa mabagal umanong pag aksyon ng kanilang Sanitary Official sa nasabing problema.

Ligtas na ngayon ang dalawang pasyente, pero patuloy paring inoobserbahan sa DocPanes Medical Center.

Sinusubukan naman ng pamunuan ng Romblon News na makuha ang reaksyon ng pamunuan ng Looc, Romblon kaugnay sa pagkakaroon ng mga expired na bilihin sa mga tindahan na kanilang nasasakupan.