2-hour brownout sa Looc, Sta. Fe ngayong Biyernes

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 15 July 2015

Makakaranas ng dalawang oras na brownout ang ilang bahagi ng bayan ng Looc at Sta. Fe sa July 17, Biyernes upang bigyan daan ang isasagawang pagaayos sa isang poste sa Sitio Malbog Ilaya, Brgy. Manhac sa Looc, Romblon.

Ayon sa pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO, magsisimula ang brownout 8:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga.

Apektado ang buong bayan ng Sta. Fe at Barangay Mantac naman sa bayan ng Looc.