MR ng grupo ni Juliet Ngo-Fiel ibinasura ng Ombudsman

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, 22 August, 2015

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang motion for reconsideration na inihain ng grupo ni Sanguniang Panlalawigan Member Juliet Ngo Fiel at pito pang kasama na pawalang bisa ang desisyon ng Ombudsman na tanggalan sila ng pwesto sa Gobyerno kaugnay parin ito sa maanumalyang "Swip Irrigation Project" sa Looc, Romblon noong 2008.

Hiniling ng grupo ni Fiel na huwag sila tanggalan ng pwesto sa Gobyerno noong Mayo 2015.

Ayon sa Ombudsman, tinanggihan nila ang apela ng grupo ni Fiel dahil kulang umano ang "merit".

Sa desisyon ng Ombudsman, pinatatalsik nila sa pwesto sina Juliet Ngo-Fiel; Perla B. Bautista; Solomon R. Gregorio; Renato S. Saludaga; Jessie L. Jomadiao; Wilma E. Pastor; at Rolando C. Gregorio. Samantala, pinagbigyan naman ng Ombudsman ang apela ng dating budget officer ng Looc, Romblon na si Virgina C. Morales.

Patuloy na kinukuhaan ng pahayag ang mga respondents ng kaso.