
Nabulelyaso ang pagpapailaw sana ngayong gabi sa mga giant christmas tree ng Looc, Romblon dahil sa masamang panahong nararanasan ng lalawigan dahil sa Low Pressure Area.
Ayon kay Juvy Fabon ng DZEL Radyo Agila, bukas, December 14, nalang gagawin ang pailaw na kung saan inaasahang dadagsain katulad nitong mga nakaraang taon.
Inaasahang bukas, alas-6 ng gabi, magsisimula ang maikling programa bago buksan ng sabay-sabay ang mga giant christmas tree.
Ang pagpapailaw sa looc tuwing pasko ay nasa-ikatlong taon na ngayong 2016.



