by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Saturday, July 25, 2015

Ayon sa sumuring Doctor na si Ernesto Panes, nasunog ang balat ng kanyang kaibigan na dinapuan ng dikya habang naliligo sa dagat na sakop ng Looc, Romblon. Madali rin naman daw itong ginamot ng Doktor ng ito ay dalhin sa kanya.
"Delikado ang mga sting ng dikya o "shabay/salabay" lalo na sa mga taong may alergy." dagdag pa ni Panes.
Ayon sa isang article ng GMA NEWS, maaring lapatan ng first aid ang mga taong nadapuan ng dikya. Ibabad lang sa loob ng 15-30 minutes ang affected area sa suka (vinegar) o di kaya ay sa salt water. Iwasan rin itong ibabad sa fresh water dahil maari itong magresulta ng mas marami pang toxins.



