by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Tuesday, 15 September 2015
Tatlong araw nang hindi nakakaranas ng power interruption ang buong Tablas Island.
Ito ay kasunod ng isinagawang maintenance ng dalawang planta nitong nakaraang Sabado, September 12.
Ayon sa pamunuan ng TIELCO nitong mga naunang interview sa Romblon News, sinabi nilang ang power synchronization ang problema kaya madalas na nagkakaroon ng brownout sa Isla lalo na kapag peak time.
Sa isinagawang maintenance, gumawa ng dedicated lines ang TIELCO para maiwasan na ang brownout. Ito ay ang mga sumusunod, Feeder I (Gabawan to Camantaya) at Feeder IV (Pato-o, Dapawan, Amatong, Timbaon, Bangon to Ferrol, Anahao to Sta. Maria) ay papatakbuhin ng SUWECO at ang Feeder II (Odiongan) naman ay ang NAPOCOR.



