by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, July 22, 2015
earthquakedrill ferrol
Nagsagawa ngayong araw ng Simultaneous Earthquake Drill sa Ferrol National High School sa Barangay Tubigon, Ferrol, Romblon na pinangunahan ng Municipal Risk Reduction and Management Council ng bayan.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga tauhan ng Ferrol Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni FO3 Symphony Sarmiento, Ferrol Rural Health Unit, at ng Mga guro at estudyante ng Ferrol National High School.
Pasado alas-7 ng umaga ng tumunog ang bell ng paaralan, hudyat ng pagsisimula ng malakas na lindol. Dahan-dahan umupo ang mga estudyante hawak-hawak ang kanilang mga ulo at naglakad palabas ng silid-aralan.
Naging mukhang makatutuhanan naman ang isinagawang earth quake drill dahil ilang mga estudyante at guro ang umarte na kunyare ay mga nasugatan at kinakailangan naman ng e-rescue ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at ng Philippine National Police. Binuhat sila palabas ng silid aralan at dahan dahang dinala sa ligtas na lugar upang gamutin.
Ang isinagwang Earth Quake Drill ay bahagi parin ng pagdiriwang ng Nationa Disaster Consciousness Month.



