Bahagi ng bundok sa Ferrol, nasunog nitong Huwebes

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Riza Perez Fontamillas/FBPhoto Courtesy: Riza Perez Fontamillas/FB

Nasunog ang isang bahagi ng bundok sa Ferrol, Romblon nitong umaga ng Huwebes, April 25.

Ayon sa mga residente sa lugar, nagsimula ang sunog bandang alas-10 ng umaga malapit sa national road sa Barangay Atabay.

Posible umanong nagsimula ang apoy sa naiwan na nakasinding pinaglutuan ng asphalt sa kalsada; at kumalat patungo sa bundok dahil sa mainit na panahon at malakas na hangin.

Mahigit isang oras kumalat ang apoy hanggang sa napatay ng mga opisyal ng barangay at mga residente sa lugar bandang 11:30 ng umaga.