Grupo ni Jovencio Mayor sa bayan ng Ferrol, naghain na ng COC ngayong araw

Written by Bebito Gado Jr. | Romblon News

by Bebito Gado, Romblon News | Thursday, 15 October 2015

Naghain na ngayong araw ang grupo ni incumbent Mayor Jovencio Mayor nang certificate of candidacy sa opisina ng Commission on Election sa bayan ng Ferrol sa ilalim ng grupong LP-NP o BuLongTik.

Kasamang naghain ni Mayor ang kanyang magiging bise-alkalde na si Pedro Gelindo at kanyang mga Sanguniang Bayan members na sina Vicente Gregori, Delvie Sarmineto, Cristian Gervacio, Antonio Compas, Dante Prado, Faith Lota, Elma Pampo at Czan Fabila.

Inaasahan naman na bukas, huling araw ng pagpasa ng COC, magpa-file ang mga makakalaban ng grupo.