Bayan ng Ferrol, abot bewang ang baha dahil sa pag-uulan

Written by Bebito Gado Jr. | Romblon News

Umabot ng halos hanggang bewang ang naranasang baha sa sentro ng bayan ng Ferrol, Romblon kaninang madaling araw.

Ayon sa mga residente ng Barangay Poblacion, bandang alas-4 ng umaga tumaas ang tubig dahil sa walang tigil na ulan simula pa umano kagabi.

Kahit umano ang plaza at munisipyo ng Ferrol ay pinasok rin ng mataas na baha.

Humupa rin ang baha matapos ang halos dalawang oras.

{googleads center}