Pawikang nalambat, ibinalik sa dagat ng BFAR

Written by Bebito Gado Jr. | Romblon News

by Bebito Gado, Romblon News | Sunday, 17 July 2016

Isang pawikan ang nalambat ng isang mangingisda sa bayan ng Ferrol, Romblon habang ito ay nangingisda kaninang tanghali.

Agad na dinala ang nalambat na pawikan sa pangpang upang tingnan kung nasugatan ito.

Matapos matingnan ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Romblon ang pawikan, agad itong pinakawalan sa dagat.

Ang bayan ng Ferrol ay isa sa mga kilalang hatchary ng mga pawikan sa Romblon dahil sa mga sanctuaries sa lugar.