Mga estudyante sa Concepcion, nagtitiis sa pansamantalang silid aralan

Written by Dennis Evora | Romblon News

by Dennis Evora, Romblon News | Saturday, 18 June 2016

Photo Courtesy of Concepcion Municipal Police StationPhoto Courtesy of Concepcion Municipal Police Station

Nagtatyaga lang muna sa pinagawang pansamantalang silid-aralan ang ilang mag aaral sa bayan ng Concepcion sa Sibale Island habang hinihintay na matapos na maipaayos ang mga classrooms na nasira at natanggalan ng bubong nang manalasa ang bagyong Nona noong 2015.

Inaasahang sa mga susunod na buwan, matatapos na ang mga silid aralan na ipinatatayo ng ilang NGO at ng Department of Education sa buong isla na tinamaan ng bagyo.