Biyahe na nagkokonekta ng Sibale Island sa iba pang Isla ng Romblon, nagsimula na ngayong araw

Written by Dennis Evora | Romblon News

by Dennis Evora, RomblonNews | Saturday, 18 July 2015

Nag simula nang bumyahe ngayong araw ang M/B Princess Anie Lines, na pagmamay-ari ni Mr. Aniano Sibulan at siya ring tumatayong kapitan, sa bago nitong rota na nagsisimula sa Pinamalayan, Or. Mindoro patungong Caticlan Island na dadaan naman sa mga bayan ng Romblon gaya ng Concepcion (Sibale Island, na tinaguriang Pilgrimage Island Destination), Corcuera (Simara Island), San Agustin (Tablas Island) at Romblon (Marble Capital ng Pilipinas).

Lubos na ikinatuwa ng mga residente ng mga nabanggit na bayan ang nasabing bagong rota na 'to para mapadali at magkaroon sila ng pagkakataon na mabisita ang mga naturang bayan, partikyular ang sikat na Boracay sa mas mababang gastos at di na kailangan pang pumunta ng Batangas.

Inaasahan din ng mga lokal na pamahalaan na madadaanan ng naturang biyahe na mas dadami na ngayon ang mga bibisitang local at foreign tourist sa kani-kanilang bayan.

Kompletong schedule ng M/B Princess Anie Lines:

DEPARTURE ARRIVAL
PORT DAY TIME PORT DAY TIME
Pinamalayan Friday 8:00AM Concepcion Friday 9:30AM
Concepcion Friday 10:00AM Corcuera Friday 1:00PM
Corcuera Friday 1:30PM Carmen Friday 3:00PM
Carmen Friday 4:00PM Romblon Friday 5:00PM
Romblon Sunday 8:00AM Carmen Sunday 9:00AM
Carmen Sunday 9:30AM Corcuera Sunday 12:00PM
Corcuera Sunday 1:00PM Concepcion Sunday  3:30PM
Concepcion Sunday 4:00PM  Pinamalayan Sunday 5:00PM 
 Pinamalayan  Monday 6:30AM   Concepcion Monday   7:30AM
Concepcion Monday 8:00AM Romblon Monday 12:00PM
Romblon Monday 12:30PM Caticlan Monday 5:00PM
Caticlan Wednesday 8:00AM Romblon Wednesday 12:00PM
Romblon Wednesday 12:30PM Concepcion Wednesdayy 4:00PM
Concepcion Wednesday 4:30PM Pinamalayan Wednesday 5:30PM