Ilang pasahero sa Sibale Island, stranded dahil sa kakulangang bumabiyahe patungong Pinamalayan

Written by Dennis Evora | Romblon News

by Dennis Evora, Romblon News | Sunday, 27 December 2015

Ilang mga pasahero ang stranded ngayon sa pantalan ng Brgy. Sampong sa bayan ng Sibale. Iisang bangka lang kasi ang nakapag-biyahe ngayong araw patungong Pinamalayan dahil sira ang makina ng dalawa pang pampasaherong bangka na nasa Brgy. Poblacion.

Nangako naman ang kapitan ng MB Sampong na babalikan din nila agad ang mga pasahero pagkababa ng mga nauna nang pasahero sa Mindoro.

Inaassist at binibigyan ng libreng almusal ang mga stranded na pasahero ng mga opisyal ng barangay habang inaantay ang pagbalik ng bangka.