World Rabies Day, ipinagdiwang din sa Sibale

Written by Dennis Evora | Romblon News

by Dennis Evora, Romblon News | Monday, 28 September 2015

Photo Courtesy: Concepcion Municipal Police Station

Sa unang pagkakataon, nakiisa ang bayan ng Sibale sa pagdiriwang ng World Rabies Day 2015 ngayong araw, September 28, 2015, sa pangunguna ng mga kawani ng Municipal Health Office, ng munisipyo at ng mga kapulisan.

Isang espesyal na misa ang inialay para sa aktibidad na ito at sinundan naman ng parada ng mga nakilahok kasama ang kanilang mga alagang hayop.

Bilang bahagi din ng pagdiriwang, nagkaroon ng pagbabasbas sa mga alagang hayop na nandoon, isang simpleng dog show at pagpili sa ilan sa mga responsableng may-ari ng hayop sa buong bayan.

Target ng aktibidad na ito ang maipatupad ang “zero rabies” na tala' sa buong naman.