Pagsuot ng life jacket, mahigpit na pinapatupad sa mga pampasaherong bangka sa mga pantalan ng MIMAROPA

Written by Dennis Evora | Romblon News

by Dennis Evora, RomblonNews | Monday, 07 September, 2015

Bunsod ng aksidenteng pagtaob at paglubog ng bangkang MB Kim Nirvana-B at pagkamatay ng di bababa sa 50 katao sa Ormoc City noong nakaraang buwan ng Hulyo, mahigpit ngayon na ipinapatupad ng Philippine Coast Guard sa mga pantalan ng Region 4B - MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan) ang pulisiya nila na mandatoring pagsuot ng life jacket ng bawat pasahero ng mga pampasaherong bangka bago pa man ito umalis sa mga pantalan.

Patunay nito ay ang pag iinspeksyon sa mga pasahero kung nakasuot ang bawat isa ng life jacket na biyaheng Sibale Island patungong Pinamalayan sa MIndoro.

Dagdag pa dito ay ang pag picture at pag video sa mga pasahero para masigurong nasusunod ng pamunuan ng mga bangka ang nasabing kautusan ng ating Philippine Coast Guard.

Hindi naman tutol dito ang mga may-ari at mga tripulante ng mga bangka dahil sa ganitong mga hakbang ay mas makakasiguro sila sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.