Romblon niyanig ng Lindol ngayong umaga

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Niyanig ng magnitude 2.9 na lindol ang Romblon pasado alas-10 ng umaga ngayong Lunes, January 23.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng Department of Science and Technology, ang sentro ng lindol sa 014 km S 11° W ng Concepcion, Romblon kaninang 10:25 ng umaga.

Naramdaman ang pagyanig sa mga kalapit bayan nito, gayun na rin sa Santa Maria at Odiongan sa Tablas Island.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang aftershocks at damage ang nasabing pagyanig.