Deworming sa Sibale Island, naging matagumpay

Written by Dennis Evora | Romblon News

Photo: Concepcion MPSPhoto: Concepcion MPS

Matagumpay na naisagawa kahapon, July 29 ng mga kagawad ng Concepcion Municipal Health Office, sa pangunguna ni Dra. Cherie Gonzales at sa pakikipagtulungan ng mga guru at ng mga tauhan ng lokal na pulisya, ang itinakdang "deworming" sa mga mag-aaral na mula Grade 1 hanggang Grade 6.

Dito ay binigyan ang bawat bata ng tig-isang chewable tablet. Ang nasabing "deworming" ay bahagi ng programa ng Department of Health na isinasagawa sa buong bansa bilang pag-gunita sa National Deworming Day at para masiguro ang magandang kalusugan ng mga bata at mga mag-aaral na mula sa elementarya.

Lubos naman na nagpapasalamat ang mga magulang at mga guru ng mga mag-aaral na may mga ganitong proyekto ang pamahalaan para mapanatiling maayos ang kalusugan ng bawat bata hindi lang sa buong bayan ng Sibale kundi pati na sa buong Pilipinas.