Mga paaralan sa Concepcion, Romblon; nakahanda na para sa 'deworming day' bukas

Written by Jackey Tapao | Romblon News

Nakahanda na ang mga tauhan ng Department of Health, Local Government Unit, at mga paaralan sa Concepcion, Romblon para sa sabayang 'Deworming Day' bukas.

Ayon kay Mayor Lemuel Cipriano ng Concepcion, mag-aasiste ang kanilang Municipal Health Officer na si Dr. Cherrie Rose Gonzales sa isasagawang deworming activity bukas para sa mga grade 1 to grade 6 pupils.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Integrated Helminth Control Program ng Department of Health. Ngayong 2015, ang programa ay may temang: "Goodbye Bulate!"

Sa bayan naman ng San Agustin sa Tablas Island, nakahanda na rin ang mga tauhan ng Rural Health Units ng bayan para sa parehong aktibidad.

Magiging busy muli ang mga tauhan ng RHU upang gabayan ang pagbibigay ng mga gamot sa mga estudyante ng mga elementarya sa lugar.

Ngayong linggo rin isasagawa ang isa pang aktibidad ng RHU-San Agustin, ang kanilang Nutrition Month Celebration.