DTI pinangunahan ang pagsasanay sa pag-aayos ng mga motorsiklo at maliliit na makina

Written by Paul Jaysent Fos, Romblon News/Mary Grace H. Fontelo, PIO-DTI Romblon

Pinangunahan ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) - Romblon sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagsasanay sa pagaayos ng mga motorsiklo at small engine para sa mga residente ng Sibale Island, Romblon noong ika-15 ng Hunyo.

Dinaluhan ito ng 24 trainees mula pa sa iba't ibang barangay ng Concepcion.

Pinag-aralan ng mga trainees ang mga motor engine principles, stroke cycle, basic engine system, preventive maintenance at trouble shooting. Nagsagawa rin sila ng actual na pagsasanay sa pamamgitan ng pag-aayos ng 13 pirasong motorsiklo.

Ayon sa mga taga Sibale Island, marami silang natutunan at nagpapasalamat sila sa NGA's, LGU partikular na nga ang DTI, TESDA at ang Munisipyo at sa Malampaya Foundation na nagbigay ng nasabing pagsasanay kahit hindi sapat ang 5-araw para matutunan nila ang lahat ng dapat malaman kaugnay sa motorcycle at engine servicing. Dagdag pa nila, sana madagdagan pa ang mga ganitong training na dadalhin ng pamahalaan sa lugar nila.

Nagbigay naman ng mga certificate si Ms. Yolanda M. Fotunato sa mga nagtapos sa 5-day skills training. Hinamon rin ni Fortunato ang mga nagtapos na maging produktibo at ipagpatuloy ang paghubog sa kanilang mga natutunang kaalaman at talento.

Nagbigay naman ng libreng starter tool kits ang Malampaya Foundation sa mga nagtapos sa nasabing pagsasanay.

At the back from left-right: Mr. John David Fajilan (Malampaya Foundation Inc.), Mr. Jerome C. Madrona (DTI-Romblon), Ms. Yolanda M. Fortunato (TESDA Romblon), Mayor Lemuel Cipriano, and Mr. Amilo Gado (TESDA-ANTS/Trainer) during the graduation and closing program of the training.At the back from left-right: Mr. John David Fajilan (Malampaya Foundation Inc.), Mr. Jerome C. Madrona (DTI-Romblon), Ms. Yolanda M. Fortunato (TESDA Romblon), Mayor Lemuel Cipriano, and Mr. Amilo Gado (TESDA-ANTS/Trainer) during the graduation and closing program of the training.