Kagawad at kasama nito, huli sa drug operation ng awtoridad sa Simara Island

Written by Bernie Fallurin | Romblon News

by Bernie Fallurin, RomblonNews | Wednesday, July 22, 2015

Photo Source: Corcuera Municipal Police Station

Nahuli ng pinagsamang lakas ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Coast Guard at Corcuera Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Inspector Nicolas Molo, ang isang barangay kagawad at kasama nito sa Corcuera Port sa Simara Island kagabi matapos masamsam ang isang sachet na pinaghihinalaang shabu.

Nakilala ang mga suspek na sina Eddie Fajarillo, kagawad ng Barangay Gobon sa nasabing bayan, at si Melvin Miñon.

Ayon sa Spot Report ng Corcuera Municipal Police Station, nahuli ang mga suspek matapos na magsagawa ng verification/interdiction operation ang mga otoridad sa bangkang M/B Richard na galing Batangas pasado alas-7 ng gabi, kagabi.

Nakuha rin sa mga suspek ang ilan ring drug paraphernalias.

Dinala na ang mga nahuling suspek sa bayan ng Romblon, Romblon para e-inquest.

Author: Bernie Fallurin | Romblon News
More Articles from the Author