New Highschool building in Corcuera town, inaugurated

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 13 June 2016

Inauguration ceremony kanina para sa bagong building ng Mauricio F. Fabito National High School. (Photo Courtesy: Mayor Rachel Bañares)Inauguration ceremony kanina para sa bagong building ng Mauricio F. Fabito National High School. (Photo Courtesy: Mayor Rachel Bañares)

Inagurahan na kaninang umaga kasabay ang pagbubukas ng araw ng klase ngayong taon ang isang bagong building sa Mauricio F. Fabito National High School sa bayan ng Corcuera sa Simara Island.

Ang nasabing building ay ginawa sa pinagsamang pagtatyaga ng mga miyembro ng DSWD Kalahi Cidds, local government ng Corcuera, Department of Education, at ng mga mamayan ng bayan.

Malaking tulong ito para sa mga mag-aaral ng barangay lalo na ngayong pasukan.

Ang nasabing building ay pwede ring gamiting evacuation center kung sakaling may sakuna na dumating.

Sa susunod na buwan, maaring matapos na rin ang isa pang building na pinapatayo ng Department of Education sa nasabing paaralan.