Corcuera LGU nagbigay ng gadgets sa 16 na paaralan sa Simara

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Naghandog ng libreng laptop, printer at xerox machine ang lokal na pamahalaan ng Corcuera sa may aabot na 13 elementary schools at 3 national high school sa isla ng Simara, Romblon kamakailan.

Ito ay upang makatulong umano sa mga guro at mga estudyante na makasabay sa pagpapatupad ng new normal pagdating sa pag-aaral sa gitna ng covid-19 pandemic.

Masaya naman itong tinanggap ng mga hepe ng tatlong paaralan, at nagpasalamat sa mga opisyal ng bayan.

Ito ay proyekto sa pakikipagtulungan ng Kalahi-CIDSS (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services) ng Department of Social Welfare and Development.