Yagting Kanugkog to serenade Nona victims in Corcuera on their 1-night concert

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 03 February 2016

Nasa Corcuera, Simara Island na ang grupo ng Yagting Kanugkog, ang opisyal na choral group ng Romblon State University Main Campus para sa kanilang 1-night concert na gaganapin mamaya sa Simara Park na makikita sa sentro ng bayan.

Ang 1-night concert ng grupo ay bahagi ng 85th Founding Anniversary ng nasabing bayan ngayong araw, February 03.

Sa Facebook post ni Romblon News Correspondent Bernie Fallurin, makikita ang kanilang pagdating at pagbisita sa opisina ni Mayor Rachel Bañares.

 

 

Yagting Kanugkog Courtesy Call to Mayor Rachel S. Miñon Bañares

Posted by Bernie Fallurin on Tuesday, 2 February 2016

 

Ang 85th Founding Anniversary ng bayan ng Corcuera ay may temang "Kooperasyon: Susi sa Mabilis na Pagbangon ng Bayan".

Maliban sa 1-night concert ng Yagting Kanugkog, magkakaroon rin ng iba't ibang programa at aktibidad sa umaga katulad ng isang parada, mass, at Umag Cooking Festival-Dessert Eddition.