Photo Courtesy: Corcuera's Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office
Hindi pa man lubos na nakakabangon ang bayan ng Corcuera sa pananalasa ni Tisoy, kailangan na nilang maghanda para naman sa posibleng epekto sa bayan ng panibagong bagyo na si Ursula.
Nagpulong na nitong Lunes ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng bayan upang pag-usapan kung ano ang mga dapat nilang paghandaan sa paglapit ng bagyo.
Pinangunahan mismo ni Mayor Elmer Fruelda ang pagpupulong upang masigurong handa ang lahat ng departamento ng lokal na pamahalaan gayun rin ang iba pang ahensya na miyembro ng MDRRMC.
Sa ngayon, suspendido na ang biyahe ng lahat ng bangko papasok at palabas ng Corcuera, Simara Island upang makaiwas sa disgrasya.



