by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 16 October 2015

Opisyal na ring nakapaghain ang grupo ni dating Mayor Bibiano Fanlo ng Corcuera sa opisina ng Commission on Election sa parehong bayan.
Kasama ni Fanlo na naghain ng kandidatura ay ang kanyang mga kasamang tatakbo sa pagka-miyembro ng Sanguniang Bayan na sina Andry Falcunitin, Meltzzi Vic Fojas, Democrito Mazo, Delma Fajilago-Faigao, Anthony Fruelda, Romeo Dalida, at Roderick Morgado.
Si Fanlo ay naging mayor ng Corcuera noong 1998.
Makakaharap ni Fanlo ang kasalukuyang Mayor ng Corcuera na si Rachel Bañares na naghain na nang kanyang kandidatura nitong isang araw.



